Sec. Duque, humarap sa magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia

By Justinne Punsalang February 15, 2018 - 12:27 AM

 

Hindi bababa sa sampung mga magulang ng mga nabakunahan ng Dengvaxia ang nakipagkita kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque upang linawin ang kasalukuyang kontrobersiya sa naturang anti-dengue vaccine.

Binigyan ang mga magulang ng mga dengue kits para makaiwas ang kanilang mga anak sa kagat ng lamok.

Kabilang dito ang vitamins, insect repellant, kulambo, maging first aid kit.

Aminado si Duque na sa ngayon ay hindi pa sapat ang mga dengue kits para sa lahat ng mga nabakunahan ng Dengvaxia at kakailanganin pang bumili ang DOH ng mga karagdagang dengue kits.

Para naman sa mga magulang ng mga nabakunahan ng Dengvaxia, hindi sapat ang dengue kits para matiyak ang kalusugan at buhay ng kanilang mga anak.

Samantala, sinabi ni Duque na hinihiling ng DOH sa pamahalaan kung maaari bang gamitin ng ahensya ang ₱600 milyon mula sa isinauling ₱1 bilyon para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccines.

Ito aniya ay upang makakuha sila ng karagdagang medical support para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.