Bulaklak, bagsak presyo na

By Mark Makalalad February 15, 2018 - 12:02 AM

 

Kuha ni Mark Makalalad

Ilang mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, nagbaba na ng presyo

Balik normal ang presyo ng ilang mga bulaklak na itinitinda sa Dangwa sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ilang mga tindera, nagbaba na sila ng presyo para makaubos ng kanilang mga paninda.

Ang Indian Rose na dating P150 ay bumaba na sa P100 habang ang Ecuadorian Rose naman na dating nasa P250 ay mabibili na ngayon sa P200.

Ang isang boquet na bulaklak na dating P700, nagtapyas na rin ng presyo at mabibili na lang sa P500.

Ang isang bundle naman ng carnation na P300 noon ay bumalik na sa P250 na normal price.

Bumababa rin ang presyo ng boquet ng stuffed toys na dating P1,200 na ngayon ay nasa P1,100 na.

Samantala, nananatili pa rin sa 150 kada stem ang presyo ng stargazer at tulip.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.