SALN ni Duterte at mga Malacañang officials ilalabas na
Pinag-aaralan na ngayon ng Malacañang na otomatikong ilabas ang Statement of Assets Liabilities and Networth ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga miyembro ng gabinete.
Ayon kay Presidential Communications Asec. Chris Ablan, target ng Freedom of Information Committee na ilabas ang SALN kahit na hindi na humingi ng kopya ang publiko.
Paliwanag ni Ablan, isa ang SALN sa mga dokumentong pinakamadalas na hinihingi ng publiko.
Kasabay nito, sinabi ni Ablan na ilalabas na rin ng PCO sa loob ng buwang ito ang ang mga ginastos ni Communications Asec. Mocha Uson sa kanyang mga pagbiyahe sa abroad at maging sa loob ng bansa.
Bukod sa ginastos, isasapubliko rin aniya ng kagawaran ang mga naging accomplishment ni Uson bunga ng kanyang mga pagbiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.