Interconnection charges ng mga telcos ipinaaalis ni Lacson

Inquirer file photo

Ipinatatanggal na ni Senador Ping Lacson ang ipinapataw na interconnection charges ng mga telecommunications companies sa mga subscribers.

Sa kaniyang inihaing Sente Bill 1636 o panukalang amyenda sa Lifetime Cellphone Number Act, nais ni Lacson na alisin ang dagdag singil sa mga calls at text.

Ang interconnection charges ay ang karagdagang singil na ipinapataw ng mga telcos kung ang tawag o text ay hindi sa magkaparehong network.

Sa kasalukuyan, dalawang piso at singkuwenta sentimos ang kinakaltas sa bawat tawag habang 15 centavos sa kada text.

Giit ni Lacson, sobra-sobra na ang ipinapataw na singil ng mga telcos dahil noong 2016 lang umabot na sa P806.9 Million ang kanilang nakolekta sa mga consumers sa interconnection fee sa text at tawag na siyang dahilan kaya maraming subscribers ang nagtitiis sa iisang network kahit pa masama ang kanilang serbisyo.

Read more...