Mga estero sa Maynila sasagipin ng PRRC

By Ricky Brozas February 14, 2018 - 04:43 PM

PRRC photo

Sinagip ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang Estero de Binondo sa Maynila mula sa tuluyang pagkalugmok nito.

Ito’y matapos na magsagawa muli ng clean-up drive ang mga tauhan ng PRRC sa estero na nasa kanto ng Muelle de Binondo at Juan Luna Street sa Maynila.

Una nang nakatanggap ng report ang PRRC mula sa concerned social media netizens hinggil sa tambak na basura sa Estero de Binondo.

Dahil dito, agad na ipinadala ni PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia ang PRRC River Warriors, River Patrols, at iba pa nilang tauhan para linisin ang mga basura sa Estero de Binondo.

Sinabi naman ni Bonifacio Aragona Jr., River Patrol Team leader na dalawang araw nilang nilinis ang estero subalit nagulat na lang sila ng muling nagkaroon ng tambak na basura rito.

Para maiwasan ang pagdaloy ng basura mula sa estero patungong Pasig River, sinabi ni Aragona na naglagay na rin sila ng garbage trap sa mga daluyan.

Subali’t may nag-angat aniya ng net kung kaya’t nakakalusot ang basura patungong estero.

Dahil dito, pinaimbestigahan na ni Goitia kung sino ang nag-angat ng garbage trap.

Para malutas ang problema, hinimok ni Goitia ang mga opisyal ng Barangay na makipagtulungan sa kanilang proyektong buhaying muli ang Ilog Pasig.

Pinasinayaan ng PRRC ang bahagi ng Estero de Binondo na sumailalim sa rehabilitasyon noong May 26, 2017.

Ang bahaging ito ay mula sa San Fernando Bridge hanggang Lavesarez Bridge, Binondo, Maynila na nai-convert sa isang environmental preservation area.

TAGS: estero de binondo, Maynila, prrc, estero de binondo, Maynila, prrc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.