Mga pasahero ng MRT binigyan ng bulaklak ng mga pulis

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 12:58 PM

INQUIRER.net | Ryan Leagogo

Nakatanggap ng rosas ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa Araneta-Cubao station mula sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing programa na may temang “Katok ng Pagbabago Mula sa Puso,” ay pinangunahan ng mga tauhan ng Police Community Relations Group (PCRG) at ng Quezon City Police District (WCPD).

Kasama ring nag-abot ng bulaklak sa mga pasahero ang mascot ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na si PO1 Bato.

Ayon kay PCRG deputy director Police Senior Superintendent Bartolome Bustamante, layon nitong mailapit ang mga pulis sa publiko.

Mabuti aniyang nakikita ng mamamayan ang ‘soft side’ ng mga alagad ng batas upang sa halip na sila ay katakutan ay isiping sila ay madaling lapitan sa oras ng pangangailangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: MRT, PNP, QCPD, valentine's day, MRT, PNP, QCPD, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.