Mahigit 2,000 magkasintahan binigyan ng libreng kasal ng Pag-IBIG Fund

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 12:43 PM

FB Photo | Pag-ibig FUND

Muling nagdaos ng mass wedding ang Pag-IBIG Fund ngaong ngayong araw, February 14, Valentine’s Day.

Taun-taon itong ginagawa ng Pag-IBIG para sa mga couples na nais mabigyang basbas na at gawing legal na ang kanilang pagsasama.

Para sa taong ito, 2,002 couples ang naikasal ng libre sa mass wedding na idinaos sa labing anim na lokasyon sa buong bansa.

Kabilang dito ang 397 couples na ikinasal sa mass wedding ceremony na idinaos sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Si Court of Appeals Associate Justice Remedios A. Salazar-Fernando ang nag-officiate ng kasal.

Ang libreng kasalang bayan ng Pag-IBIG ay nagsimula pa noong taong 2012.

 

 

 

 

TAGS: mass wedding, pag-ibig fund, PICC, mass wedding, pag-ibig fund, PICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.