Bagyong Basyang nasa bahagi na ng Puerto Princesa; signal number 1 nakataas na lamang sa lalawigan ng Palawan
Patuloy na nagpapaulan ang tropical depression Basyang sa Palawan, Bicol Region, at Eastern Visayas.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 200 kilometers Southeast ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Bahagyang bumagal ang bagyo na kumikilos ng 23 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
May posibilidad pa ring tumama ito sa kalupaan ng Southern Palawan mamayang gabi.
Sa ngayong tanging ang Palawan na lamang ang nakasailalim sa signal number 1, kasama ang Cuyo at Calamian group of islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.