Target ng paalala ng DOTr ang mga commuter at mga driver ng PUVs maging ng mga pribadong sasakyan.
At para maisabay sa paggunita ng Araw ng mga Puso, idinaan ng DOTr sa hugot lines ang kanilang mga paalala.
Sa kanilang Facebook page at Twitter account, ipinost ng DOTr ang sumusunod na paalala:
“Kung mahal mo, dapat nasa lugar ka”. Ayon sa DOTr, ang pagtawid, pagbaba at pagsakay ay parang pag-ibig na dapat lagging nasa tamang lugar.
“Kung mahal mo, huwag mong pahirapan”. Paliwanag ng DOTr, bilang isang driver, dapat mahalin nito ang kaniyang pasahero at hindi dapat pinapahirapan. Pinakamabuting gawin umano ng mga tsuper ay ang suportahan ang PUV modernization program dahil makapagbibigay ito ng ligtas na biyahe sa mga pasahero.
“Kung hindi mo na mahal, magpaalam ka” – Ayon sa DOTr, ang pag-overtake ay parang pakikipag-break, dapat ay nagpapahiwatig at nagsasabi muna mung mang-iiwan na.
“Kung mahal mo, hindi ka magiging sagabal” – Ayon sa DOTr, ang intersections at pedestrian lanes ay parang live life ng iba, hindi dapat maharangan.
Ang nasabing mga paalala ay ginamitan ng DOTr ng hashtag na “DOTrHugot”