Paalala sa disiplina sa kalsada, idinaan sa ‘hugot lines’ ng DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 11:23 AM

Dahil ipinagdiriwang ngayong araw ang Valentine’s Day may bagong pamamaraan ang Department of Transportation (DOTr) sa pagpapaalala sa publiko hinggil sa tamang disiplina sa kalsada.

Target ng paalala ng DOTr ang mga commuter at mga driver ng PUVs maging ng mga pribadong sasakyan.

At para maisabay sa paggunita ng Araw ng mga Puso, idinaan ng DOTr sa hugot lines ang kanilang mga paalala.

Sa kanilang Facebook page at Twitter account, ipinost ng DOTr ang sumusunod na paalala:

“Kung mahal mo, dapat nasa lugar ka”. Ayon sa DOTr, ang pagtawid, pagbaba at pagsakay ay parang pag-ibig na dapat lagging nasa tamang lugar.

“Kung mahal mo, huwag mong pahirapan”. Paliwanag ng DOTr, bilang isang driver, dapat mahalin nito ang kaniyang pasahero at hindi dapat pinapahirapan. Pinakamabuting gawin umano ng mga tsuper ay ang suportahan ang PUV modernization program dahil makapagbibigay ito ng ligtas na biyahe sa mga pasahero.

“Kung hindi mo na mahal, magpaalam ka” – Ayon sa DOTr, ang pag-overtake ay parang pakikipag-break, dapat ay nagpapahiwatig at nagsasabi muna mung mang-iiwan na.

“Kung mahal mo, hindi ka magiging sagabal” – Ayon sa DOTr, ang intersections at pedestrian lanes ay parang live life ng iba, hindi dapat maharangan.

Ang nasabing mga paalala ay ginamitan ng DOTr ng hashtag na “DOTrHugot”

 

 

 

TAGS: dotr, Hugot Lines, Radyo Inquirer, dotr, Hugot Lines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.