13 taong gulang na nabakakunahan ng Dengvaxia nasawi sa Muntinlupa

By Justinne Punsalang February 14, 2018 - 10:53 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Wala pang tatlong buwan simula nang mabakunahan ng Dengvaxia ang isang 13 taong gulang na dalagita ay namatay ito. At ang sinisisi ng mga magulang ang itinurok sa anak na anti-dengue vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa ama ni Abbie Hedia na si Ariel, sinabi nito na noong nakaraang Miyerkules nang makaramdam ng pananakit ng ulo, mataas na lagnat, pagdudumi, at pagsusuka ang kanyang anak.

Una nilang dinala si Abbie sa Ospital ng Muntinlupa kung saan matapos tingnan ng mga doktor ay pinauwi rin sila.

Acute gastroenteritis ang diagnosis sa bata.

Ngunit nagpatuloy ang nararanasang mga sintomas ni Abbie kaya naman muli itong ibinalik sa Ospital ng Muntinlupa at ipinasok sa intensive care unit (ICU) kung saan binawian na ito ng buhay.

Kahapon ay nagsagawa ng forensic examination ang Public Attorney’s Office (PAO) sa katawan ni Abbie kung saan lumabas na nagkaroon ito ng massive bleeding sa utak at ang kanyang mga internal organs, partikular na ang kanyang mga kidneys ay namaga.

Kasabay ng pagkakaroon ng lagnat ni Abbie ay nagkaroon din ng lagnat ang nakatatanda nitong kapatid at sa ngayon ay maayos naman na ang kalagayan nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengue Vaccine, Dengvaxia, doh, vacc, Dengue Vaccine, Dengvaxia, doh, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.