ERC, tiniyak na na maaksyunan ang pangangailangan sa suplay ng kuryente ngayong summer

Kuha ni Ruel Perez

Tiniyak ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na matutugunan nila ang kinakailangang mga kontrata para maiwasan na magkaroon ng mga summer brownouts.

Sa isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy na pinangungunahan ni Senator Sherwin Gatchalian, inamin nito ang agam-agam sa posibilidad ng kakulangan ng supply ng kuryente dahil na rin sa hindi pa naaayos na mga kontrata ng mga service providers.

Ayon kay Devanadera, makakaya naman nila na aksyunan ang mga kontrata sa maigsing panahon na in effect ang TRO na inilabas ng CA sa isang taon na suspension order na ipinataw ng Ombudsman sa 4 na ERC Commissioners dahil
umano sa maanomalyang kontrata na pinasok ng mga ito.

Present sa ginagawang pagdinig ang ilan sa 4 na pansamantalang na-reinstate na ERC Commissioner na sina Commissioner Josefina Asirit habang di ko pa namataan sina Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, at Geronimo Sta. Ana.

Nagpalabas ng TRO ang CA sa kautusan ng Office of the Ombudsman na nagsususpinde laban sa 4 na commissioner para hindi umano maapektuhan ang serbisyo ng pagsupply ng kuryente sa publiko.

 

 

 

 

 

Read more...