Apat na milyong ektarya ng agricultural land sa bansa, dapat pagtaniman ng palay upang maiwasan ang rice shortage

February 14, 2018 - 09:59 AM

Inquirer File Photo

Hinikayat ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang pamahalaan na gamitin ang ekta-ektaryang agricultural lands sa bansa upang pagtaniman ng palay para tumaas ang suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay Casilao, mayroong apat na milyong ektaryang lupang agrikultural ang bansa at kung ito ay gagamitin para sa food production lalo na sa palay ay hindi na kakailanganin na mag-import ng bigas.

Iginiit nito na dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka upang hindi maging dependent ang bansa sa rice imports.

Paliwanag ng kongresista, ang patuloy na pagtangkilik ng bansa sa mga imported rice ang dahilan ng mga problema ng mga lokal na magsasaka.

Bukod pa sa nababawasan na ang mga lupang sakahan dahil sa land conversion, umaangal din ang mga magsasaka sa kawalan ng subsidiya mula sa gobyerno at kawalan ng genuine agrarian reform.

Ginawa ng mambabatas ang rekomendasyon kasunod ng kakaspusan ng National Food Authority ng suplay ng bigas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: agricultural lamds, Department of Agriculture, rice filed, agricultural lamds, Department of Agriculture, rice filed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.