DepEd Bicol at Naga City hall may dress code sa mga empleyado; kulay ng suot na damit, depende sa status ng love life
Nagpalabas ng memorandum ang Department of Education sa region 5 para sa pagpapatupad ng dress code ngayong araw sa kanilang mga empleyado bilang pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Sa memorandum ni DepEd Region 5 Director Ramon Abcede, hinikayat ang lahat ng opisyal at tauhan sa regional office na sumunod sa dress code at ibatay ang kulay ng kanilang damit base sa status ng kanilang love life.
Nakasaad sa memorandum ang sumusunod na color code para sa damit:
- Red – kung In love o committed
- White – kung single at available
- Pink – kung naghahanap pa lang
- Black – kung walang love life
- Yellow – kung just marriage o engaged
- Violet – still hurting
- Blue – moving on
- Green – bitter
- Brown – available but will not commit
- Uniform – walang pakialam o kill joy
Sa Naga City naman, naglabas din ng memorandum si Mayor John Bongat para sa dress code sa kanilang mga empleyado.
- Red – kung taken
- Black – taken for granted
- Pink – strike everywhere
- Green – solo for life
- White – like a virigin
- Brown – pusong bato
- Gray – tuliro
- Yellow – waiting since birth
- Orange – nakagulpi na
- Polka Dots – nagulpi na
- Stripes – low bat
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.