Kilos-protesta ng rice watch group sa DA, idinaan sa ‘hugot lines’

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 09:28 AM

INQUIRER.net Photo | Noy Morcoso

Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa harapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City para kalampagin ang pamahalaan sa pinalulutang na rice shortage sa bansa.

INQUIRER.net | Noy Morcoso

Maaga pa lamang nagtipon-tipon na sa harapan ng DA sa elliptical road ang rice watch group na Bantay Bigas at ang National Federation of Peasant Women, kasama ang mga miyembro ng Anakpawis.

Pero dahil ngayon ay ipinagdiriwang ang Valentine’s Day, idinaan sa ‘hugot lines’ ng mga nag-kilos protesta ang kanilang programa.

Sa halip na ordinaryong placards at banner na karaniwang dala ng mga nagpo-protesta, gumamit sila ng hugis pusong placards na may mga nakasulat na hugot lines.

Kabilang sa nakasulat sa placards ang mga linyang:

“Ang lahat ay nagmamahalan,kaya kami walang laman ang diyan”;

“BROKEN – minsan puso, minsan bigas, madalas tayo”;

“PAASA – minsan lovelife, madalas gobyerno”;

“MAHAL – minsan jowa, ngayon bigas”;

“Nagmamahalan na ang bigas at bilihin, Gobyerno na lang ang mumurahin,”;

Umapela ang grupo sa DA na aksyunan ang anila ay artipisyal o pekeng rice shortage sa bansa na pinalulutang lamang para mabigyang katwiran ang importation ng bigas.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Agriculture, Radyo Inquirer, rice shortage, rice watch group, Department of Agriculture, Radyo Inquirer, rice shortage, rice watch group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.