Pangulong Duterte aminadong hirap mahuli ang mayayamang adik sa Pilipinas

By Chona Yu February 14, 2018 - 08:59 AM

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hirap ang mga otoridad na maaresto ang mga mayayamang drug addict sa bansa na lulong sa cocaine.

Paliwanag ng pangulo, may mga sariling yate, eroplano, barko ang mga mayayamang adik na kapag sinasalakay ng mga pulis ang kanilang mga kuta ay mabilis na nakapupuslit sakay ng kanilang mga pribadong sasakyan.

Ayon sa pangulo, mahirap para sa kanilang hanay na habulin araw-araw ang mga mayayamang drug addict.

Ito aniya ang dahilan kung kaya ang karaniwang mahihirap na drug addict na lulong sa shabu lamang ang nahuhuli ng mga pulis.

“At hindi mo pa mahuli-huli kasi may eroplano sila, may mga yate, may sariling barko. Mahirapan talaga ang gobyerno.
We cannot afford to do that, chasing them all along everyday. Pero itong shabu po, ito’y commodity para sa mga mahirap. Mura lang ‘yan,” ayon sa pangulo.

Samantala, ngayong February 14, Valentine’s Day, walang schedule sa Malakanyang ang pangulo at sa halip ay magce-celebrate ng Valentine’s sa Davao kasama ang mga mahal sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug war, Radyo Inquirer, War on drugs, drug war, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.