Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang nasabing bagyo ay maghahatid pa rin ng kalat-kalat na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Palawan at Western Visayas.
Uulanin din ang nalalabi pang bahagi ng Visayas, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Huling namataan ang bagyo sa 255 kilometers South ng Cuyo, Palawan o 310 kilometers West Southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong aabot sa 60 kph.
Mabilis pa rin ang kilos ng bagyo na 26 kph sa direksyong West Southwest.
Nabawasan naman na ang mga lugar na nakasailalim sa signal number 1. Sa ngayon tanging ang Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo groups of islands ang apektado ng public storm warning signal number 1.
Mamayang gabi ay posibleng tumama ang bagyo sa Southern Palawan.