Preso patay sa Pasay City Jail matapos atakihin sa puso

By Mark Makalalad February 14, 2018 - 07:57 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang may edad nang preso sa Pasay City Jail matapos umanong atakihin sa puso.

Idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital o PCGH ang biktimang si Arturo Cruz, 64 na taong gulang.

Wala pang opisyal na deklarasyon ang PCJ o Bureau of Jail Management and Penology kung ano ang ikinasawi ng biktima.

Gayunman, isiniwalat ng isang BJMP personnel na ayaw magpabanggit ng pangalan na nakaramdaman na lang ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga at biglang nangingitim si Cruz.

Dahil dito, agad itong isinugod sa ospital ng mga kagawad ng BJMP.

 

 

 

 

 

 

TAGS: heart attack, Pasay City Jail, Radyo Inquirer, heart attack, Pasay City Jail, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.