Publiko maagang dumagsa sa mga simbahan ngayong araw para sa Ash Wednesday

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 07:52 AM

Maagang dumagsa sa mga simbahan ang mga Katoliko ngayong araw para sa Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday na ‘day of fasting’ ang unang araw ng Lenten Season para sa mga Katoliko.

Sa Quiapo Church magkakasunod ang misa ngayong umaga na inumpisahan 5:00 ng umaga, sinundan ng 6:00 ng umaga at 7:00 ng umaga.

Ang mga dumalo sa misa sa Quiapo Church, binigyang tip kung paanong gugunitain ng sabay ang Valentine’s Day at Ash Wednesday ngayong araw.

Una ay dumalo muna ng Ash Wednesday mass kasama ang mahal sa buhay.

Kahit ngayon ay day of fasting, ang one-full meal ay gamitin para sa spesyal na dinner kasama ang minamahal pero walang karne at hindi dapat masyadong marami.

Mag-usap tungkol sa makabuluhang mga bagay.

Kung magreregalo o makatatanggap ng sweets, kainin na lamang ito sa ibang araw.

Mas palakasin ang relasyon at magkasundo sa kung anong penitensya ang kanilang maaring gawin ng sabay ngayong lenten season.

 

 

 

TAGS: Ash wednesday, Metro Manila, Quiapo Church, Ash wednesday, Metro Manila, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.