Mahigit 4,000 pasahero, stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Basyang

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2018 - 06:58 AM

CDN Photo

Nasa mahigit 4,000 pasahero pa ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa dahil sa tropical depression Basyang.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) 4,108 na mga pasahero ang nasa mga pantalan sa Central, Eastern, Western at Southern Visayas; Northern Mindanao, at sa Palawan

Maliban sa mahigit 4,000 mga pasahero, stranded din ang nasa 924 na rolling cargoes, 130 na mga barko at 19 na motor banca.

Inaasahan naman na ngayong maghapon ay unti-unti nang makabibiyahe ang mga barko sa ilang mga pantalan.

Inalis na kasi ng PAGASA ang umiiral na tropical storm signal sa maraming lugar na naapektuhan ng bagyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Basyang, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, Basyang, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.