Opisyal ng Kuwait, kinondena ang pagpapauwi sa mga OFW

By Jay Dones February 14, 2018 - 03:41 AM

 

Kinondena ng isang mataas na opisyal ng Kuwait ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang total ban sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa kanilang bansa.

Sinabi ni Kuwait Foreign Minister Sheikh Sabah al-Khalid al Sabah na kanilang labis rin na ikinabigla ang mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin sa loob ng 72 oras ang mga OFW sa Kuwait na nais nang bumalik sa Pilipinas matapos matagpuang patay ang Pinay na si Joanna Demafelis sa isang freezer kamakailan.

Ayon kay Sheikh Sabah al-Khalid al Sabah sa mga panayam ng mga mamamahayag sa Kuwait na kanilang ikinagulat ang pahayag ni Pangulong Duterte dahil may mga high level talks nang nagaganap upang ipaliwanag ang kondisyon ng mga manggagawa sa Kuwait.

Dagdag pa ng opisyal, hindi aniya nakakatulong sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait ang pagpapaigting pa ng usapin.

Giit pa ni Sheikh Sabah, nasa 170,00 mga Pinoy ang maayos na namumuhay sa Kuwait.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.