Duterte kay Lucio Tan: Salamat at bayad ka na

By Chona Yu, Den Macaranas February 13, 2018 - 08:06 PM

Malacañang photo

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa Ninoy Aquino International Airport 150 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Kuwait.

Kasama ng pangulo sa nasabing programa na may titulong “Sagip-Sundo ng Pangulo” sina Labor Sec. Silvestre Bello III at mga pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration, Bureau of Immigration at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kamakailan ay ipinag-utos ng pangulo ang total deployment ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait dahil sa maraming kaso ng pagmamalabis sa mga OFWs.

Sa kanyang talumpati ay personal na pinasamatan ng pangulo ang may-ari ng Philippine Airlines na si Lucio Tan.

Ayon sa pangulo, “Dahil sa ginawa ni Mr. Lucio Tan bayad na siya…wala na siyang maririnig mula sa akin…malaki rin ang kanyang naging tulong sa Marawi City”.

Magugunitang kamakailan ay binatikos ng pangulo si Tan kasabay ng paniningil dito ng P6 Billion dahil sa umano’y kakulangan ng bayad sa paggamit ng PAL sa NAIA Terminal 2.

Pinasalamatan rin ng pangulo ang pamilya ni John Gokongwei ng Cebu Pacific dahil sa madalas nilang pagtulong sa mga proyekto ng pamahalaan sa mga distressed OFWs.

Makaraan ang kanyang talumpati ay kaagad ring umalis ang pangulo dahil uuwi pa umano siya sa Davao City para ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

TAGS: cebu pacific, duterte, gokongwei, kuwait, lucio tan, NAIA, OFWs, PAL, cebu pacific, duterte, gokongwei, kuwait, lucio tan, NAIA, OFWs, PAL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.