Anti-fake news bill one-sided ayon sa Malacañang

By Chona Yu February 13, 2018 - 04:48 PM

Magbibitiw sa puwesto si Presidential Spokesman Harry Roque kapag naipasa sa kongreso ang panukalang batas ni Senador Grace Poe na amyendahan ang code of conduct ng ethical standards for public officials and employees na patawan ng kaukulang parusa ang mga government officials na nagpapakalat ng fake news.

Sa pulong balitaan sa Tabuk, Kalinga, sinabi ni Roque na sakali man aniyang makalusot ang panukala ay agad siyang dudulog sa Korte Suprema para i-challenge ang constitutionality nito

Iginiit ni roque na malinaw kasi na unconstitutional at pagkitil sa malayang pamamahayag ang naturang panukala.

Pumapalag din si Roque sa panukala dahil mistulang pinupuntirya lamang nito ang mga nasa kawani ng gobyerno.

Ayon sa kalihim, hindi lang ang mga nasa gobyerno ang dapat na puntiryahin ng panukala dahil pareho lamang naman aniya na nagpapakalat ng fake news ang mga lehitimong media organisasyon at iba pang indbidiwal.

TAGS: fake news, grace poe, Harry Roque, Malacañang, Supreme Court, fake news, grace poe, Harry Roque, Malacañang, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.