Panukalang pagdurog sa Road Board lusot na sa Senado

Lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1620 o panukalang batas na nagpapabuwag sa Road Board.

Umaabot sa18 Senador ang bumoto at wala rin kumontra sa panukala na iniakda at idinepensa ni Senador Manny Pacquao na siyang Chairman ng Senate Committee on Public Works.

Ayon kay Pacquiao, bukod sa nagiging pugad ng katiwalian ang Road Board, may ibang ahensya din naman na maaring gumawa ng mga trabaho nito kaya di na kailangan ang nasabing ahensiya.

Sa panukala ni Paquiao, ililipat sa Department of Public Works and Highways o DPWH at Department of Transportation o DOTr ang pangangasiwa sa makukulektang road user’s tax na binabayaran kapag nagpaparehistro ng sasakyan.

Umaabot naman sa 80 percent sa makukulektang road user’s tax ay otomatikong ibibigay sa Special Road Support Fund habang ang 5-percent naman ay ilalaan sa Special Local Road Safety Fund na pangangasiwaan ng DPWH.

Sa kabuuan ay aabot sa 7.5 pecent ay ilalagay sa Special Vehicle Pollution Control Fund na hahawakan ng DOTr.

Nag-ugat ang panukala ni Sen Pacquiao sa report ng Commission on Audit na nagpapakita ng maanumalyang paggamit sa road user’s tax.

Read more...