Davao City binati ng Malacañang sa persona non grata declaration kontra Trillanes

By Chona Yu, Den Macaranas February 13, 2018 - 03:12 PM

Radyo Inquirer

Pinuri ng Malacañang ang mga opisyal ng lokal na opisyal ng Davao City sa pagdedeklara kay Sen. Antonio Trillanes bilang persona non grata.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi siya magbibigay ng anumang pahayag maliban sa pagbati sa mga opisyal ng Davao City.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Davao City Vice Mayor Bernard Al-ag na isang malaking pang-iinsulto sa mga residente ng Davao City nang sabihin ni Trillanes na isa ang kanilang lungsod sa pinaka-mapanganib na lugar sa buong mundo.

Hindi rin umano tama na sabihin ng mambabatas na sila ay na-brainwashed para mapaniwala na isang matahimik na lungsod ang Davao.

Hinamon rin nila ang mambabatas na patunayan ang  kanyang mga akusasyon na ang Davao City ang pangalawa sa may pinakamataas na kaso ng rape noong taong 2015.

Dahil sa mga sinabi ni Trillanes ay hindi na siya welcome sa Davao City ayon pa kay Al-ag.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pangulo hingil sa nasabing deklarasyon laban kay Trillanes.

TAGS: Davao City, duterte, persona non grata, Davao City, duterte, persona non grata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.