Sandra Cam sumama ang loob sa pag-abswelto ng pangulo kay Balutan

By Den Macaranas February 13, 2018 - 02:59 PM SHARE(S):
Photo: Erwin Aguilon

Halos maiyak si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam nang kanyang sabihin na sumama ang kanyang loob ng kampihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay sinabi ni Cam na itutuloy pa rin niya ang kampanya para linisin sa katiwalian ang PCSO.

Mayroon umano siyang marching order mula sa pangulo na hindi niya pwedeng isapubliko.

Sinabi rin ni Cam na iginagalang niya ang posisyon ng pangulo sa gusot sa loob ng nasabing ahensiya.

Umaasa rin ang opisyal na nagbibiro lamang ang pangulo ng kanyang kampihan si Balutan dahil kilala umano ang chief executive sa pagiging pilyo.

Nauna dito ay sinabi ni Duterte na wala siyang nakikitang masama sa P6 Million na ginamit sa Christmas party ng PCSO dahil ang nakinabang dito ay ang lahat ng mga empleyado ng ahensiya sa buong bansa.

TAGS: Alexander Balutan, chriatmas party, duterte, pcso, sandra cam, Alexander Balutan, chriatmas party, duterte, pcso, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.