DBM, hindi takot sa imbestigasyon ng Ombudsman sa isyu ng DAP
Welcome sa Department of Budget and Management (DBM) ang imbestigasyon ng Ombudsman sa Disbursement Accelaration Program o DAP.
Ayon sa DBM, ang preliminary investigation ng Ombudsman ay pagkakataon para maiprisinta ng lahat ng partido ang kani-kanilang pananaw sa natitirang isyu sa DAP.
Kumpiyansa din aniya sila na magiging patas ang isinasagawang pag-aaral ng Ombudsman sa nasabing usapin.
Nilinaw din ng DBM na walang kinalaman ang imbestigasyon ng Ombudsman sa katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Layon ng nasabing inquiry na alamin kung ang pondo ilalim ng DAP ay hindi nagamit sa mga programa o proyekto na taliwas sa orihinal nitong layunin.
Ipinaalala din ng DBM na ang desisyon ng Korte Suprema sa DAP sa kabila ng mga ulat ay hindi nagdedeklara dito na unconstitutional.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.