Malacañang: Makukulay na pananalita ng pangulo huwag seryosohin

By Chona Yu February 13, 2018 - 02:54 PM

Inquirer photo

Umaapela ang Malacañang sa publiko na huwag seryosohin ang bagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na barilin sa pribadong bahagi ng katawan ang mga babaeng rebelde.

Sa pulong balitaan sa Tabuk, Kalinga, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi dapat na bigyan ng literal na kahulugan ang mga pahayag ng pangulo.

Dapat na aniyang masanay ang publiko na mahilig lamang ang pangulo sa pagbibigay ng mga makukulay na pananalita para maipahayag ang kanyang totoong damdamin.

Iginiit pa ni Roque na nais lang iparating ng pangulo na wala na ang peace talks na alok sa rebeldeng grupo dahil nakahanda na ang gobyerno na makipag giyera sa kanilang hanay.

Nanindigan pa si Roque na may malasakit sa mga babae ang pangulo at inihalimbawa pa ang pagpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait dahil sa pang aabusong dinaranas ng mga babaeng domestic workers doon.

TAGS: duterte, Kalinga, NPA, press briefing, Roque, duterte, Kalinga, NPA, press briefing, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.