Mahigit sampung libong kaso ng homicide mula noong 2016 ang hindi pa nareresolba ng Philippine National Police.
Batay sa datos ng PNP, nasa kabuuang 10,721 homicide cases na iniimbestigahan ng pulisya ang hindi pa cleared.
Nasa 20,514 homicide incidents ang naitala mula July 1, 2016 hanggang February 11, 2018.
Sa naturang bilang, 2,413 ang may kaugnayan sa droga, 8,587 ang walang kinalaman sa droga habang ang motibo sa 9,514 incidents ay hindi pa natutukoy.
Ayon din sa datos ng PNP, sa mahigit 20,000 insidente ng homicide, 9,793 cases ang naresolba na kung saan 5,599 na mga akusado ang naaresto na at 4,194 na akusado ang nananatiling at large.
Sa homicide cases naman, 2,744 ang cleared na o naisampa na ang kaso sa korte kung saan 1,986 na akusado ang arestado na at 758 na akusado ang tinutugis pa rin.