Sen. Antonio Trillanes IV idineklarang persona non grata sa Davao City
Idineklarang persona non grata sa Davao City si Senator Antonio Trillanes IV.
Ang resolusyon para sa deklarasyon ay isinumite ni Davao City Vice Mayor Bernard Al-ag na inaprubahan naman ng City Council ng lungsod.
Ginawa ang deklarasyon dahil sa pahayag umano ni Trillanes na ang Davao City ay maituturing na “most dangerous city” sa Pilipinas.
Maliban kay Trillanes idineklara ring persona non grata sa Davao City ang Fil-Am at philanthropist na si Loida Nicolas-Lewis.
Kilala si Lewis na kritikal sa administrasyong Duterte.
Inakusahan pa ni Duterte si Lewis na nakipagsabwatan sa International Criminal Court sa imbestigasyon sa umano’y extra-judicial killings sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.