Matapos mag-landfall, bagyong Basyang humina, isa na lamang tropical depression ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2018 - 11:26 AM

Makaraang tumama sa kalupaan ng Cortes, Surigao del Sur humina ang bagyong Basyang at ngayon ay isa na lamang tropical depression.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa bisinidad ng Cantilan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

(LUZON)

  • Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo groups of islands

(VISAYAS)

  • Aklan
  • Capiz
  • Antique
  • Iloilo
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • Negros Oriental
  • Siquijor
  • Bohol
  • Cebu
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • southern section of Samar
  • southern section of Eastern Samar

(MINDANAO)

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Camiguin
  • Misamis Oriental
  • northern section of Bukidnon
  • Lanao del Norte
  • northern section of Lanao del Sur
  • Misamis Occidental
  • northern section of Zamboanga del Norte

Wala naman nang lugar na nakasailalim sa storm warning signal number 2.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Basyang, signal number 1, Tropical Depression, Basyang, signal number 1, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.