Ilang batch ng Anti-TB drug na Rifanid, pinaalis sa merkado ng FDA

 

Iniutos ng Department of Health-Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-recall sa merkado ng ilang batch ng isang anti-bacterial drug product matapos hindi makasunod sa tamang specification ng produkto.

Batay sa advisory ng FDA ay ipinababawi nito sa merkado ang Rifampicin (Rifanid) 200 mg/5 ml suspension na may batch numbers C30002 na may expiry date May 2016; C30007, na may expiry date na July 2016; at C30008, na mae-expired naman sa July 2016.

Ang hakbang ng ahensya ay matapos na rin lumitaw sa laboratory analyses results sa naturang product batches na hindi ito nakasunod sa tamang specification.

Sa pagsusuri ng FDA ay hindi umano agad na natutunaw ang powder ng gamot taliwas sa nakalagay sa botelya na madali lang itong matunaw sa simpleng pagkalog.

Ang Rifampicin 200 mg/5 ml Suspension ay ginagamit na panlunas sa tuberculosis, leprosy, methicillin resistant staphylococcal infections, serious staphylococcal infections, meningococcal carriers at iba pang uri ng impeksyon.

Dahil umano agad natutunaw ang powder ng antibiotic ay maaaring hindi ito maging kasing epektibo kaya naman minabuti ng FDA na iparecall ito.

 

Read more...