Number coding suspendido na sa Biyernes
By Dona Dominguez-Cargullo February 13, 2018 - 09:59 AM
Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa Metro Manila sa Biyernes, February 16, 2018.
Sa abiso ng MMDA, suspendido ang number coding sa Biyernes sa lahat ng lugar sa Metro Manila maliban lamang sa Makati City at Las Piñas City na kapwa mayroong sariling panuntunan sa pagpapatupad ng number coding scheme.
Ipagdiriwang sa Biyernes ang Chinese New Year na idineklarang special non-working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.