Bagyong Basyang nag-landfall na sa Cortes, Surigao del Sur

Tumama na sa kalupaan ng Cortes, Surigao del Sur ang tropical storm Basyang.

Ayon sa PAGASA, nag-landfall sa bayan ng Cortes ang bagyong Basyang alas 9:15 ng umaga ng Martes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyon Northwest.

Sa Biliran Island, nakaranas ng malawakang brownout dahil sa pananalasa ng bagyo.

Pinahanda naman ni Biliran Gov. Gerry Espina ang mga alkalde para sa paglilikas ng mga residente.

 

 

 

 

Read more...