Red rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa bagyong Basyang
Dahil sa tuluy-tuloy at malakas na buhos ng ulan, nagtaas na ang PAGASA ng red rainfall warning sa maraming lalawigan sa Visayas.
Sa rainfall warning na inilabas ng PAGASA alas 8:35 ng umaga, red warning level ang nakataas sa Cebu, Bohol, Southern Leyte, Leyte, Siquijor, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran at Negros Island.
Ayon sa PAGASA, magdudulot na ito ng serious flooding lalo na sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, sa Mindanao, red rainfall warning din ang itinaas ng PAGASA sa Dinagad Islands, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur at Agusan del Norte alas 9:30 ng umaga.
Orange warning naman ang nakataas sa Camiguin at Agusan del Sur.
Habang yellow warning sa Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Zamboanga del norte at Zamboanga Sibugay.
Sa mga susunod na oras muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.