Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maliban sa English teachers, nangangailangan din ang China ng mga English-speaking na household workers.
Sa ngayon, sumusweldo ng $1,500 ang English teachers sa China o katumbas ng P78,000.
Ayon kay Bello, maaring ngayong buwan na ito o sa susunod na buwan ay lumagda ang Pilipinas at China sa isang bilateral agreement para sa pag-deloy ng mga OFW.
Isa din sa maaring pagdalhan pa ng mga OFW na apektado ng deployment ban sa Kkuwait ay ang Israel, Czechoslovakia, Germany at Japan.