Halos 3,000 pasahero sa Visayas at Mindanao stranded dahil sa bagyong basyang

Coast Guard File Photo

Stranded ang aabot sa 2,700 na mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng Tropical Storm Basyang.

Ang mga stranded na pasahero ay nasa mga pantalan sa Surigao, Cagayan de Oro, Ozamiz, Iligan, Dapitan, Butuan, Western Leyte, Southern Leyte, Negros Occidental at Negros Oriental.

Sa datos ng Philippine Coast Guard, mayorya ng mga stranded na pasahero ay nasa Dumaguete City port na aabot sa 963.

Sa Bredco Port, mayroon ding 263 na mga pasahero ang stranded habang 248 na pasahero naman ang stranded sa Bucas Port.

Maliban sa mga stranded na pasahero, stranded din ang nasa 366 na rolling cargoes, 62 barko at 2 motorbanca.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...