Big-time pusher at apat na iba pa, arestado sa operasyon ng QCPD

By Mark Makalalad February 13, 2018 - 07:46 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sa kulungan ang bagsak ng isang big-time pusher at apat na kasamahan nito sa ikinasang operasyon ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police.

Nakatanggap ng tawag ang mga otorirad na may isang nagnangalang Marman Deray na may dalang baril sa basketball court sa Luzon Ave, cor New Fort Del Pilar St. Brgy. Holy Spirit.

Nang lapitan na at kapkapan, nakuha mula sa kanya ang isang kalibre 38 na baril at magazine na may pitong bala.

Nakuha rin sa kanya ang dalawang pakete ng shabu na nakatago sa pagmamay-ari nyang motor.

Aminado ang suspek na sa kanya ang mga nakuha na iligal na droga. Kanya ring inamin na nagtutulak nga sya nito pero baguhan pa lang sya sa negosyo.

Bilang bahagi naman ng Standard Operating Procedure, dinamay din sa body searching ang apat na kasamahan nito na sina Rafael Tottoc, John Alexis Mungcal at Albert Fajardo.

Nakuha sa iba pang mga suspek ang pitong pakete ng shabu, siyam na cellphones at remittance money na nagkakahalaga ng P53,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 habaang karagdagang paglabag sa Illegal Possession of firearms naman ang isasampa kay Deray.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drugs, operation, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs, drugs, operation, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.