Heavy rainfall warning nakataas sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao

Nakataas ang heavy rainfall warning sa maraming lalawigan sa Mindanao at Visayas.

Sa abiso ng PAGASA alas 5:20 ng umaga, Orange warning level ang nakataas sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Yellow warning naman ang nakataas sa Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Compostela Valley Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Sulu.

Samantala, sa Visayas naman, Orange warning ang nakataas sa Panay Island at sa Guimaras.

Nagpaalala ang PAGASA sa mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging handa sa posibleng flashfloods at landslides na maidudulot ng tuluy-tuloy at malakas na buhos ng ulan. / Dona D

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...