Si Zainal Anshori na isang Indonesian leader ng Jamaah Ansharut Daulah ay nahatulang guilty sa kasong “criminal act of terrorism” sa korte sa Jakarta.
Pinaniniwalaang responsable ang grupo sa pagpaplano ng mga terror attacks sa Indonesia kabilang na ang pag-atake sa Jakarta noong January 2016 na ikinasawi ng walo katao.
Naharang ang nasa 50 na mga armas na gagamitin sana ng mga terorista sa kanilang mga planong pag-atake sa Indonesia ayon sa korte.
Samantala, umaapela naman ang mga prosecutors na gawing 10 taon ang pagpapakulong kay Anshori.
Noong nakaraang linggo lang ay isang Islamic militant din ang nahatulan naman ng 10 taong pagkakulong dahil sa pagbili din ng bulto ng mga armas mula sa rebeldeng grupo sa Pilipinas.