Islamic militant, ipinakulong sa Indonesia dahil sa tangkang pagbili ng mga armas sa Mindanao
Isang Islamic State-linked militant ang hinatulan ng pitong taong pagkakakulong sa Indonesia dahil sa pagpaplano nitong iligal na mag-angkat ng mga armas mula sa Mindanao.
Si Zainal Anshori na isang Indonesian leader ng Jamaah Ansharut Daulah ay nahatulang guilty sa kasong “criminal act of terrorism” sa korte sa Jakarta.
Pinaniniwalaang responsable ang grupo sa pagpaplano ng mga terror attacks sa Indonesia kabilang na ang pag-atake sa Jakarta noong January 2016 na ikinasawi ng walo katao.
Naharang ang nasa 50 na mga armas na gagamitin sana ng mga terorista sa kanilang mga planong pag-atake sa Indonesia ayon sa korte.
Samantala, umaapela naman ang mga prosecutors na gawing 10 taon ang pagpapakulong kay Anshori.
Noong nakaraang linggo lang ay isang Islamic militant din ang nahatulan naman ng 10 taong pagkakulong dahil sa pagbili din ng bulto ng mga armas mula sa rebeldeng grupo sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.