P0.85 – P1.30 na rollback sa presyo ng langis, epektibo na ngayong araw

By Kabie Aenlle February 13, 2018 - 03:44 AM

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Epektibo ngayong araw ang kauna-unahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang pitong linggong sunud-sunod na pagtataas ng presyo nito.

Simula alas-6:00 ng umaga, epektibo na ang P1.00 na rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina ng mga kumpanyang Jetti, UniOil, Petron, PTT, SeaOil, Phoenix, Eastern at Shell.

Magkakaltas naman ng P1.30 ang mga nasabing kumpanya sa kada litro ng kanilang mga produktong diesel.

Samantala, magbababa din ng 85 centavos ang kumpanyang SeaOil, Petron, at Shell sa kada litro ng kanilang kerosene.

Gayundin ang ibababa sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ng Flying V na mas naunang magpatupad, alas-12:00 pa ng hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.