Imbestigasyon ng ICC matagal nang alam ni Pangulong Duterte

Bago pa ianunsyo ng International Criminal Court (ICC) na magsasagawa sila ng review tungkol sa mga sinasabing ginawang crime against humanity ni Pangulong Rodrigo Duterte ay alam na ito ng punong ehekutibo.

Sa isang talumpati, sinabi ni Duterte na napagalaman niya ang tungkol sa isasagawang imbestigasyon ng ICC batay sa mga telephone conversation ni Loida Nicolas Lewis na isang New York-based philantropist at isa pang tao.

Ayon sa pangulo, nagmula ang recordings ng pag-uusap ni Lewis sa hindi kinilalang bansa.

Sinabi umano ni Lewis na ‘See you in the headquarters when the case is filed.’

Ipinagkibit balikat lang ng pangulo ang aksyon ng ICC at tinawag itong ‘old politics.’

Ayon naman kay Lewis, walang katotohanan ang sinasabi ng pangulo na mayroon siyang kaugnayan sa desisyon ng ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa mga naganap na extrajudicial killings sa bansa.

Dagdag pa niya, ang US Pinoys for Good Governance ay wala namang headquarters kagaya ng binabanggit ng pangulo.

Ani Lewis, 2013 pa niya posibleng nabanggit ang mga katagang sinabi ng pangulo at ito ay patungkol sa headquarters ng United Nations kung saan sila nagsagawa ng rally.

Read more...