“Basyang,” napanatili ang lakas habang patungong Northeastern Mindanao
Napanatili ng bagyong “Basyang” ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon patungong Northeastern Mindanao.
Base sa 11:00pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometers ng East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay pa rin nito ang lakas na 65 kilometers per hour at pagbugso na 80 kilometers per hour.
Inaasahang kikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Makararanas naman ng malawakang katamtaman hanggang malakas na ulan sa loob ng susunod na 24 oras sa mga lugar sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao Oriental, Compostela Valley at Lanao del Sur.
Mahina hanggang katamtamang lakas naman ng ulan ang mararanasan sa Bicol Region, nalalabing bahagi ng Mindanao, at lalawigan ng Romblon.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Dinagat Island, Surigao de Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental at hilagang bahagi ng Bukidnon.
Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang Cuyo Island, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte, Biliran, timog bahagi ng Samar at timog bahagi din ng Eastern Samar.
Gayundin ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, nalalabing bahagi ng Bukidnon, North Cotabato, Compostela Valley, Davao del Norte at Davao Oriental.
Ngayong umaga inaasahang tatama sa kalupaan ng Caraga region ang bagyong “Basyang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.