Termino ng ilang opisyal ng SSS hindi na binigyan ng extension ni Duterte

By Den Macaranas February 12, 2018 - 06:52 PM

Hindi na binigyan ng extension ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino nina Social Security System Chairman Atty. Amado Valdez at SSS Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hanggang sa June 30, 2018 na lamang ang termino ng dalawang opisyal.

Tanging ang pangulo ayon kay Roque ang may pinal na desisyon para sa kanyang mga appointees.

Inabisuhan na rin ng Office of the Executive Secretary si Valdez at La Viña hingil sa hindi pag-renew sa kanilang mga termino.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni La Viña na iginagalang niya ang desisyon ng pangulo kasabay ng pagpapasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang opisyal ng SSS.

Wala pang inilalabas na pahayag si Valdez hingil sa nasabing desisyon ng pangulo.

TAGS: duterte, la vina, Roque, sss, Valdez, duterte, la vina, Roque, sss, Valdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.