Bulacan isinailalim na sa State of Calamity dahil sa Dengue

By Jen Cruz-Pastrana September 30, 2015 - 08:37 PM

Dengue
Inquirer file photo

Inilagay sa State of Calamity ang lalawigan ng Bulacan dahil sa mataas na bilang ng mga nabiktima ng dengue sa nasabing lalawigan. Umaabot na sa labingisa katao ang naiulat na namatay dahil sa Dengue sa nakalipas lamang na ilang linggo.

Inirekomenda ng Provincial Board ang pagsasa-ilalim ng Bulacan sa State of Calamity para sa agarang pag-gamit ng P39Million na Calamity Fund.

Sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, mula noong nakalipas na buwan ng Enero hanggang Setyembre ay umaabot na sa 4,771 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit ng Dengue sa buong lalawigan.

Mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito, naglagay na ang Provincial Health Center ng mga express lane para sa mga biktima ng Dengue sa mga pampublikong mga ospital sa lalawigan.

Hinikayat naman ni Bulacan Gov. Willy Sy-Alvarado ang mga residente ng lalawigan na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at tiyakin na walang namumuhay na lamok sa mga basang lugar.

TAGS: Bulacan, Dengue, State of Calamity, Bulacan, Dengue, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.