Recto: Higit sa 2 milyong tonelada ng bigas nasasayang taon-taon
Umaabot umano sa 2.5 milyong tonelada ng bigas na sapat na makapagpakain ng 14 na milyong Pilipino ang nasasayang dahil sa kawalan o dahil sa bulok na sistema ng pag-iimbak ng palay matapos anihin.
Sa pagtantya ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, aabot sa 17 porsiento ng naaning palay ang nasasayang dahil sa kawalan ng maayos na post-harvest facilities.
Dahil dito, iminungkahi ni Recto na madagdagan ang pondo ng Department of Agriculture para sa modernong imbakan ng bigas.
Sa ilalim ng 2018 General Appropriation Act ay mayroon lamang P344 Million na nakalaan para sa Philippine Center for Post-harvest Development & Mechanization program samantalang P124 Million pa dito ay para sa capital outlay.
Kaya kung tutuusin ayon kay Recto, aabot lamang ng P26 kada ektarya ng sakahan ng palay ang pinagkakasya ng Derpartment of Agriculture para sa post-harvest kundi pati na sa mechanization program nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.