Malacañang pumalag sa mga batikos hingil sa isyu sa West Philippine Sea
Pumalag ang Malacañang sa batikos ng mga kritiko na walang ginagawa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ilalatag ng Palasyo sa mga susunod na araw ang listahan ng mga naisampang kaso sa ilalim ng Duterte administration laban sa China.
Hindi lang aniya ang pagtatayo ng mga gusali sa West Philippine Sea ang iprinotesta ng kasalukuyang administrasyon kundi pati na ang militarisasyon.
Idinagdag pa ni Roque na lahat ng mga reklamo o concerns sa ginagawa ng China sa rehiyon ay idinudulog sa Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea kung saan ang ikalawang meeting ay nakatakdang isagawa sa Maynila bukas, February 13.
Dadalo sa naturang pagpupulong sina Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo at Chinese Vice Foreign Minister Kong Xuanyou.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.