Bong Pineda imbitado sa pagdinig ng Senado sa operasyon ng STL

By Ruel Perez February 12, 2018 - 04:26 PM

Inquirer photo

Posible umanong ipatawag ng Senado bilang resource person ang umano’y gambling lord na si Bong Pineda.

Ayon kay Senate Committee on Games and Amusement Chairman Senator Ping Lacson, may mga katanungan na mabibigyang linaw lamang mismo ni Pineda.

Iniimbestigahan ng joint Committee on Games and Amusement, Committee on Government Corporations at Committee on Ways and Means ang umanoy anomalyang nagaganap sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Partikular na dito ang umano’y malaking halagang nawawala sa kita ng PCSO dahil sa kakulangan ng idinedeklarang kita ng mga operators ng Small Town Lottery o STL.

Si Pineda ang isa sa mga operator ng STL sa Central Luzon.

TAGS: bong pineda, lacson, pcso, Senate, STL, bong pineda, lacson, pcso, Senate, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.