Pagbaba ng charity fund ng PCSO kinuwestyon sa Senado
Kinuwestyon ni Antipolo Rep. Romeo Acop kung bakit bumababa ang charity fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isinasagawang pagdinig ng joint Committee on Games and Amusement at Ways and Means ay iginiit ni Acop na mula kasi sa 30 porsiento noon ay nasa 12.9 percent na lamang sa kasalukuyan ang inilalaan ng PCSO para sa charity funds nito.
Paliwanag ni Acop, ang Kongreso ang nasisisi dahil sa kakulangan ng pondo para sa mga nangangailangan ng ayuda at tulong pinansyal mula sa PCSO.
Madalas umanong isisi ng PCSO sa mga mambabatas ang kakulangan ng batas na nakaka-apekto sa pondo ng ahensiya.
Giit ni Acop, ang totoo, dahil sa mababang charity fund ng PCSO ay apektado ang pagtulong nila sa mga ordinaryong Pinoy.
Dagdag pa ni Acop, nasa mandato ng PCSO ang magkaloob ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan kaya nagtataka ito bakit imbes na tumaas ay bumababa ang nabanggit na charity fund.
Isinasailalim sa imbestigasyon ng mha nabanggit na komite ang umano’y anomalya sa PCSO at operasyon ng Small Town Lottery gayundin ang magarbong Christmas party nito noong nakalipas na Disyembre na ginastusan ng P6 Million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.